Your Future Is Created by What You Do Today
May isang kabataan na laging tinatanong ang sarili niya. "Tama pa ba 'tong ginagawa ko?"
Hindi siya tamad.
Hindi rin siya walang pangarap.
Pagod lang. Nalilito. Natatakot magkamali.
Pagod lang. Nalilito. Natatakot magkamali.
Araw-araw may pressure--mula sa pamilya, sa school, sa mundo. Parang tingin ko lahat ng katulad ko may direksyon na... ako, naghahanap pa.
Isang gabi, napaupo siya mag-isa. "Ewan, Hindi ko Alam" sabi niya. (biglang hinga).
may nakita siyang isang pilas ng papel na wari niya'y galing sa isang libro. "Ang ganda naman nito, anong susunod? anong title ng librong ito?" sabi niya sa sarili after niyang basahin.
At doon niya na-realize.
Hindi pala kailangang alam niya agad ang buong kwento ng buhay niya.
Kailangan lang niyang isulat ang susunod na pahina, o gawin kung ano ang dapat niyang gawin sa ngayon.
Kaya kinabukasan, gumising siya.
Hindi perfect.
Hindi sigurado.
Pero handang sumubok ulit.
Isang maliit na hakbang
Isang desisyon.
Isang "Itutuloy ko pa."
At doon nagsimula ang pagbabago.
Hindi biglaan.
Hindi Maingay.
Pero totoo.
Dahil ang kinabukasan, hindi binubuo sa isang araw--
binubuo ito sa araw-araw na hindi ka susuko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento