Huwag muna. May dahilan kung bakit nandito kapa!
Sigurado kana ba?
Kung sigurado kana bigyan mo muna ako ng time, gusto kong makatulong sayo, gumawa ako ng website para sa mga taong tulad mo. Nakikiusap ako, huwag muna!
May mga araw na sobrang bigat. May mga sandali pakiramdam mo ay wala ng direksyon o pag-asa, wala nang sigla, at wala nang lakas. Naiintindihan kita totoo maniwala ka sana.
Hindi ka mahina. Tao ka lang na napagod.
Bago ka tuluyang sumuko, bigyan mo muna ang sarili mo ng isang sandali.
Isang sandali para alalahanin na may mga alaala kang totoo, may mga taong naging mahalaga sa’yo, at may mga pangarap kang minsang nagbigay ng liwanag sa puso mo.
Hindi lahat ng sagot ay agad lumilitaw.Hindi lahat ng sakit ay may paliwanag ngayon. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala nang pag-asa.
Kung pakiramdam mo ay wala ka nang mahawakan, ibigay mo ang bigat sa Diyos. Hindi Niya hinihingi na maging buo ka--hinihintay ka lang Niyang lumapit.
Ang buhay mo ay hindi aksidente. May dahilan kung bakit nandito ka pa. May halaga ka, kahit hindi mo pa ito lubos na nararamdaman.
Huminga ka.
Magpatuloy ka.
At maniwala ka--may mas maganda pang darating.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento