Sabado, Disyembre 27, 2025

3 Truths para sa mga “Pagod na’ko”

 Quote #1 

Ang pagod ay hindi sign na mahina ka, kundi patunay yon na MATAGAL KANG NAGING MATATAG” 

Maraming tao ang nag-iisip na ang pagkapagod sa bubay ay tanda ng pagkatalo. Pero ang totoo, ang pagod ay madalas bunga ng mahabang panahon ng pag titiis, pag-uunawa, at pagpapatuloy kahit mahirap. Ang mga taong pagod na pagod ay kadalasang sila rin ang pinakamatagal na lumaban—tahimik, walang reklamo, at walang palakpak mula sa iba. 

May mga araw na gigising ka na parang wala nang laman ang loob mo. Hindi ka naman tamad, hindi karin kulang sa pangarap—ubos ka lang. Ubos sa expectstions, sa responsibilidad, sa pressure ng mundo na parang laging may hinihingi. Sa mga ganitong sandali, mahalagang ipaalala sa sarili na hindi mo kailangang ayusin ang buhay mo agad. Hindi mo kailangang maging “okay” palagi. 

Ang pahinga ay hindi pagsuko. Ito ay pag-aalaga. Kapag huminto ka sandali para huminga, hindi ibig sabihin na tumatalikod ka sa buhay. Ibig sabihin lang, binibigyan mo ang sarili  mo na makabawi. May lakas sa pag-amin na pagod kana. May tapang sa pananatili kahit gusto mo nang bumitaw.

Hindi lahat ng laban ay kailangang ipanalo ngayon. Minsan sapat na ang makaraos sa araw na ito. Minsan ang tagumpay ay ang pagpiling magpatuloy kahit mabagal, kahit walang kasiguraduhan. Tandaan mo: ang pagod ay isang pahina lang sa kwento mo, hindi ang katapusan nito. 


Quotes #2 

May mga panahong hindi ka malungkot—pagod kalang

May uri ng pagod na hindi naaayos ng tulog. Kahit humiga ka nang maaga, kahit magpahinga ka buong araw, paggising mo ay mabigat parin sa pakiramdam. Hindi dahil tamad ka o wala kang pangarap, kundi dahil matagal kang nagbibigay—ng oras, lakas, unawa at sarili—hanggang sa makalimutan mong magtira para sa sarili mo.

Sa puntong ito, hindi mo na hinahanap ang saya. Ang gusto mo lang ay katahimikan. Isang araw na walang hinihingi, walang kailangang patunayan, walang tanong kung sapat kaba. At dapat mong malaman: normal lang ‘yon. Hindi lahat ng yugto ng buhay ay puno ng sigla. May mga yugto talagang mabagal, mabigat at puno ng pagod. 

Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong maging motivated. Hindi mo kailangang ikumpara ang takbo mo sa iba. Ang buhay ay hindi pare-pareho ng pacing. May mga taong mabilis umangat, may mga taong dahan-dahan lang—pero pareho pa ring may halaga ang paglalakbay. 

Kapag pagod ka na, pahinga muna. Hindi ka nawawala sa direksyon dahil lang sa huminto ka sandali. Minsan, doon mo mas nakikilala ang sarili mo. Doon mo maririnig kung ano talaga ang kailangan mo, hindi kung ano ang inaasahan ng mundo. 

Ang pagod ay hindi senyales ng katapusan. Isa lang itong paalala na tao ka—may limitasyon, may damdamin, at may karapatang mapagod. At hangga’t pinipili mong manatili, kahit tahimik, kahit mabagal, may saysay parin ang bawat araw mo. 

Kung andito ka parin, sapat na’yon sa ngayon.


Quotes #3

Hindi ka nawawala—napapagod kalang

Maraming kabataan ang tahimik na pagod. Hindi dahil wala silang pangarap, kundi dahil sa dami ng hinihingi ng mundo sa murang edad. Grades, expectations ng pamilya, pressure sa social media, at tanong na paulit-ulit: .”Ano na bang plano mo sa buhay?”  Minsan gusto mo nalang sumagot ng “Pagod lang po.”

May mga araw na pumapasok ka sa klase o humahawak ng phone mo na parang automatic nalang. Hindi ka naman galit, hindi karin sobrang lungkot—ubos kalang. Ubos sa kakaisip kung sapat kaba, kung nahuhuli kaba, kung tama paba ang direksyon mo. At sa totoo lang, maraming kabataan ang nakakaramdam nito, kahit hindi nila sinasabi. 

Kung pagod ka ngayon, okay lang. Huminga ka muna. Magpahinga kung kaya. Hindi mo kailangang patunayan ang halaga mo araw-araw. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Isang Hakbang Lang

 Isang Hakbang lang: Isang kwento Para sa Mga Hindi Pa Sigurado Hindi ko alam kung saan ako Papunta. May mga araw na gigising ka na parang w...